Inihayag ng OCTA Research Group na bumaba sa 7% ang seven-day average ng COVID-19 cases sa bansa.
Batay sa OCTA Research, bumaba rin ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa 1.28 mula sa 1.39.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maaaring magsimula ng bumaba ang naitatalang mga kaso sa loob ng isa o dalawang linggo kung hindi magbabago ang trend nito.
Pero posible pa rin aniyang maitala ang 25,000 COVID-19 cases kada araw kapag nagbago muli ang trend ng mga kaso.
Facebook Comments