Lalo pang bumaba ang naitalang average daily new cases sa Metro Manila.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula November 11 hanggang 17, nasa 379 na lamang ang average daily cases sa NCR na mas mababa kumpara sa 407 na naitala noong November 4 hanggang 10.
Dahil dito, nasa negative 7% na lamang ang COVID-19 growth rate sa rehiyon.
Inaasahan namang bababa pa sa 2% ang positivity rate sa NCR ngayong linggo mula sa 3% na naitala mula November 10 hanggang 16.
Kung magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng mga kaso, malaki aniya ang tiyansa na maabot ang target 7-day average na 200 new cases sa katapusan ng Nobyembre.
Facebook Comments