COVID-19 Hate Crimes Act, pasado na sa United States Congress

Pasado na sa U.S Congress ang COVID-19 Hate Crimes Act na layong mapabilis ang pagre-report sa mga nangyayaring insidente ng krimen at diskriminasyon laban sa mga Asian Minority.

Sa botong 364 yes at 62 na no, pinagtibay na sa Kongreso ang panukalang batas at dadalhin na ito ngayon kay U.S President Joe Biden.

Ayon kay U.S House Speaker Nancy Pelosi, mahalaga ang ganitong batas lalo na’t karamihan ng mga emergency responders sa kanilang bansa ay mga Asian-American.


Samantala, mula noong Marso ng nakaraang taon ay umabot na sa higit 6,000 ang naitalang insidente ng diskriminasyon ng Stop Asian American Pacific Islander Hate na isang non-profit organization.

Facebook Comments