COVID-19, hindi pa maituturing ‘endemic’ – DOH

Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi pa nila masasabing endemic o pangkaraniwang sakit na lang ang COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may mga bagay na kailangan pang makita kabilang ang tuloy-tuloy na pagbaba o walang kaso sa loob ng isang buwan.

Kailangan aniyang tuluyang lumuwag na ang mga ospital at dapat mataas na ang vaccination coverage.


Facebook Comments