Waik-ins sa 2nd round ng “Bayanihan, Bakunahan”, papayagan

Tiniyak ng pamahalaan na tatanggapin ang walk-ins saan mang government vaccination site sa ikalawang round ng “Bayanihan, Bakunahan” drive.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Teodoro Herbosa, maglalaan ng lugar para sa mga may schedule appointment at walk-ins sa programang isasagawa sa Disyembre 15 hanggang 17.

Habang prayoridad aniya ang mga hindi pa nababakunahang senior citizens at mga edad 12 hanggang 17.


Giit ni Herbosa, lahat ng eligible individuals ay i-a-accommodate, maging ang mga nais magpaturok ng booster shots.

Pero ilan lamang indibidwal ang matuturukan ng booster shots, dahil aprubado lamang ang paggamit nito sa mga fully vaccinated na sa loob ng anim na buwan o tatlong buwan para sa mga nabakunahan ng Janssen.

Facebook Comments