COVID-19 hospitalization rate sa bansa, posibleng tumaas muli sa katapusan ng Agosto o unang linggo ng Setyembre

Posibleng tumaas muli ang COVID-19 hospital utilization rate sa bansa sa katapusan ng Agosto o unang linggo ng Setyembre.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kanilang pagtataya ay maaaring tumaas sa 1,800 hanggang 11,000 sa susunod na buwan ang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa kung hindi tataas ang booster uptake dahil bumababa na ang wall of immunity ng ilang indibidwal.

Isa rin aniya sa mga posibleng dahilan ay pagbabawas ng pagsunod sa minimum public health standard ng hanggang 25% at ang bilis ng mobility ng publiko.


Matatandaang nauna nang nagbabala si Vergeire na posibleng umabot sa 17,105 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Hulyo kung mababawasan ng 21% ang pagsunod sa minimum public health standards.

Facebook Comments