Pumangatlo ang COVID-19 sa pangunahing dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na 75,285 katao ang kabuuang nasawi sa COVID-19 sa naturang time period.
Pinakamataas ang bilang ng nasawi sa National Capital Region kung saan nangunguna ang Quezon City na may 3,955; Manila City na may 2,558; at Pasig City na may 1,832.
Nanguna naman sa ’cause of death’ ng mga Pinoy ang heart disease na may 110,332 kaso o 18.3% ng total deaths.
Mas mataas ito ng 28.0% kumpara sa 86,164 death o 16.9% ng kabuuang nasawi noong 2020.
Pumangalawa naman ang cerebrovascular diseases na may 58,880 deaths.
Facebook Comments