Pagpapalawig sa face-to-face classes, inirekomenda ng DepEd

147

Inirekomenda ng Department of Education na palawigin pa ang face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na inaasahang magsisimula ang expansion ng face-to-face classes sa unang linggo ng Pebrero.

Ayon kay Briones, tanging ang mga bakunadong guro at non-teaching personnel lamang ang papayagang lumahok dito.


Samantala ayon sa kalihim, may kapangyarihan ang regional directors at superintendents ng DepEd na magsuspinde ng klase dahil sa banta ng Omicron variant at sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette.

Facebook Comments