COVID-19 infection rate sa Metro Manila, pinakamababa simula noong December 2021 — OCTA

Naitala ng Metro Manila ang pinakamababang reproduction number o infection rate ng COVID-19 simula noong December 2021.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 0.22 nalang ang reproduction number sa Metro Manila mula February 23 hanggang March 1 kung saan mas mababa ito sa 0.39 na reproduction number noong December 10 hanggang 16 nang nakaraang taon.

Bukod dito ay nasa 24% na lamang aniya ang healthcare utilization rate (HCUR) sa rehiyon kung saan lumalapit na ito sa 19% na pinakakamababang naitalang HCUR noong December 10 hanggang 16, 2021.


Gayunpaman, mataas pa rin ang average daily attack rate at testing positivity rate sa Metro Manila ngunit inaasahan naman ng OCTA na patuloy pa itong bababa.

Facebook Comments