DOH, handa sa “worst case scenario” sa pagsailalim ng NCR at ng iba pang lugar sa Alert Level 1

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa sila sa posibleng ‘worst case scenario’ kasunod ng pagsasailalim ng Metro Manila at ng 38 pang lugar sa Alert Level 1.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, bago ipatupad ang bagong restriksyon ay nagkaroon na ng pagsusuri ang gobyerno sa kapasidad ng regional o local healthcare system.

Kumpiyansa rin ang kalihim dahil nalagpasan aniya ng healthcare system ng bansa ang itinuturing na “worst of the surge” noon na dala ng Delta variant.


Dagdag pa ni Duque na ito ang pinakamatinding pagsubok ng ahensya dahil napakataas ng healthcare utilization at ICU bed utilization rate sa naturang surge ngunit nalagpasan ito ng bansa.

Kaugnay nito ay naghahanda na ng transition plan ang pamahalaan patungong ‘new normal’ na magaganap sa susunod na linggo.

Facebook Comments