Pinaiigting pa ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong ang COVID-19 information drive ng pamahalaan.
Ang pahayag ay kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang India variant ng COVID-19.
Dahil dito, sinabi ni Ong na higit na dapat mas palakasin pa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagpapalaganap nito ng impormasyon sa COVID-19 lalo’t ang virus ay nag-mutate na at sinasabing mas “contagious” o mas nakakahawa at mas nakamamatay.
“The government’s public information apparatus should do more to create awareness on the dangers posed by the Covid-19 virus which has now mutated into more contagious and deadlier variants,” ani Ong.
Dismayado ang kongresista dahil hanggang ngayon ay may ilang mga tao pa rin ang hindi naniniwala sa COVID-19.
“The government has already spent billions taken from loans just to be able to provide aid for our people and finance our anti-covid response. It has been more than a year and many Filipinos are still in denial that Covid is real,” sabi pa ng mambabatas.
Inirekomenda rin ni Ong na i-maximize ng PCOO ang mga information dissemination assets nito gaya ng Philippine Information Agency (PIA), Philippine News Agency (PNA) at Philippine Broadcasting Network (PBN), na makakatulong para mas madagdagan ang kaalaman ng publiko sa masasamang epekto ng virus.
“The government needs to let our people visualize and experience the pain of being sick with Covid by way of various information materials. This should be the focus of our government’s information agencies,” dagdag pa ni Ong.
Pinatotodo rin ng mambabatas ang trabaho ng PCOO mula sa pagkakaroon ng information collaterals, boosted social media optics, TV and radio infomercials at iba pa na magpapakita ng visuals o graphic warnings ng sa gayon ay maranasan ng ilang hindi naniniwala ang maaaring kaharapin ng isang taong nagkasakit ng COVID-19.