COVID-19 mandatory vaccination sa bansa, pinag-uusapan na ng IATF!

Pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapatupad ng mandatory vaccination kontra COVID-19 sa bansa.

Kasunod na rin ito ng rekomendasyon ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na ipatupad na ang mandatory vaccination at booster shot lalo na’t marami nang supply ng bakuna ang dumarating sa bansa.

Ayon kay National Task Force Against (NTF) COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr., kasalukuyan nagkakaroon ng diskusyon ang IATF kung maaaring ituloy ang pagkakaroon ng mandatory vaccination.


Sa ngayon ay hindi pa aniya ito naisasapinal lalo na’t may mga usaping legal na kailangan pang ikonsidera.

Sinabi ni Padilla na ang basehan sa mandatory vaccination ay kinuha sa mga datos kung saan nakita na karamihan sa mga tinatamaan ng severe at critical sa COVID-19 ay hindi bakunado.

Sa pamamagitan din aniya ng mandatory vaccination ay maaabot ng Pilipinas ang Herd immunity na makakatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya at makabalik na sa normal ang pamumuhay ng sambayanang Pilipino.

Facebook Comments