COVID-19 mass testing, magpapatuloy ngayon sa Filinvest Cainta, Rizal

Tuluy-tuloy ang isinasagawang COVID-19 mass screening na sinimulan noong Lunes sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal pero nasundan kahapon sa Village East at isusunod naman ngayon sa Filinvest.

Ayon kay Cainta Mayor Kit Nieto, ito na ang pang apat na araw ng COVID-19 mass screening kung saan ay buena mano itong ginawa sa Greenwoods Executive Village, Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Paliwanag ng alcalde, paraan umano nila ito ang mass screening upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19 at malalaman kaagad at maisolate ang magpositibo.


Nilinaw ni Mayor Nieto na ang sumailalim lamang sa naturang mass screening ay ang may close contact sa isang pasyenteng may taglay na COVID-19, halimbawa siya ay may lagnat, ubo, makati ang lalamunan, sore throat at sipon.

Bitbit ang Mobile Kiosk Test Booth ng Cainta, Rizal Government at nagbahay-bahay sila upang gawin ang naturang procedure kasama ang mga nurses at medical personnels.

Facebook Comments