Nanay sa UK, nabalian ng bukong-bukong dahil sa TikTok

Photo courtesy of NCJ Media (via Daily Mail)

Napinsala ang dalawang bukong-bukong ng isang nanay sa England, matapos makisabay sa sikat na TikTok dance.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, sinubukan ni Sapphire Charlesworth, 27, ang “Oh Na Na Na challenge” nitong Abril 15.

Sa naturang dance challenge, pagtatapikin ng magpares ang kanilang mga paa sa iba’t-ibang anggulo kasabay ng kantang “Oh Na Na Na” na sumikat noong 2018.


@jimmyfallon“Always pass on what you have learned.” – Yoda ##DadsCanDance @charlidamelio

♬ Oh Nanana – Remix – dj 6rb & bonde r300

Ineensayo ito ni Charlesworth at ng kanyang nobya nang magkamali raw siya ng ikot at tuluyang madulas.

“It hurt so so bad. I think my partner thought I was exaggerating, she had to pick me up and we were trying to wait to see if the pain wore off but then we had to phone an ambulance,” sabi ng nanay.

Sa ospital na nila nalaman na matindi ang basag sa kaliwang bukong-bukong ni Charlesworth, habang ang kanan naman ay nakitaan ng punit na litid.

Dahil dito, kinailangang i-cast ang isa niyang paa, at moon boot naman sa kabila.

Babala naman ni Charlesworth sa mga magtatangka sa dance challenge, “it’s not as easy as it looks.”

Facebook Comments