Mahigit 120,000 katao ang sumailalim sa unang araw na Coronavirus testing sa Hong Kong.
Nagtiyagang pumili ang mga residente sa lugar sa mahigit 100 testing centers.
Ang COVID-19 testing program ay isinasagawa sa tulong na rin ng mga medical staff mula sa Mainland, China.
Kasabay nito, hinikayat ni Hong Kong Leader Carrie Lam ang mga mamamayan na huwag batikusin ang kanilang programa at tignan nila ito na patas at sa positibong aspeto.
Una na kasing sinabi ng mga kritiko ang nasabing testing ay maaaring gamitin para kumuha ng mga DNA samples at personal data ng mga tao na maaaring gamitin laban sa kanila.
Facebook Comments