Utah Jazz, tuluyan nang nalaglag sa nagpapatuloy na NBA Western Conference playoffs

25

Tuluyan nang nalaglag ang Utah Jazz sa nagpapatuloy na NBA playoffs matapos na kumalog palabas ang tira ni Mike Conley sa huling segundo ng game 7 kontra Denver Nuggets, 80-78.

Ito sana ang magdadala sa Jazz sa second round ng NBA Western Conference playoffs.

Sa halip makakalaban ng nag-aabang na Los Angeles Clippers ang Nuggets.

Binuhat ni Nikola Jokic ang Nuggets matapos magtala ng double-double performance 30 points at 14 rebounds.

Magsisimula ang Clippers vs Nuggets series sa darating na Biyernes.

Facebook Comments