COVID-19 mobile vaccination drive ng LTO, pinalawig ng apat na araw

Pinalawig pa hanggang sa Huwebes, February 17 ang COVID-19 mobile vaccination drive ng Land Transportation Office (LTO) sa LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City.

Katuwang ng LTO ang Department of Transportation (DOTr) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa nasabing programa na umarangkada kahapon Araw ng mga Puso.

Ang COVID-19 mobile vaccination drive ay inilunsad para sa mga commuter at transport workers.


Ito ay magsisimula ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa chapel ng LTO Central Office.

Nasa 500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine kada araw ang target na mabakunahan para makatulong sa vaccination rollout ng pamahalaan.

Ito ay bukas sa booster, first at second dose shots at walk in.

Facebook Comments