Inihayag ng pamahalaan ng Colombia na kasalukuyan nang predominant ang bagong tuklas na COVID-19 Mu variant sa kanilang bansa.
Ayon kay Colombia Health Official Marcela Mercado, ang nasabing variant ang dahilan ng biglang pagtaas ng kaso sa bansa noong Abril at Hunyo.
Sa nasabing mga buwan rin nakapagtala ng mataas na bilang ng nasasawi kada araw kung saan pumapalo ito sa halos 700.
Sa ngayon, na-detect na ang bagong variant sa halos 43 bansa at napatunayan na talagang nakakahawa.
Matatandaang ideneklara ng World Health Organization (WHO) ang Mu variant bilang “variant of interest.”
Facebook Comments