Isang delivery rider sa Leyte, nag-costume ng ala-Spiderman

Delivery with a twist ang hatid ng isang delivery rider mula sa probinsya ng Leyte.

Ito ay matapos magsuot ng costume ala-Spiderman si Ruel Militante, 42 taong gulang, para magdala ng kasiyahan sa kaniyang mga customer.

Kwento ni Militante, nagsimula ito noong nakiusap sa kaniya ang isang customer mula cebu na mag-deliver ng birthday cake at haranahin ang kaniyang ama na nasa Leyte.


Dahil dito, marami ring customer ang nagbibigay sa kaniya ng tip na nagkakahalagang P300 hanggang P500.

Maliban sa pagko-costume, iniipon rin nila ng kaniyang mga kasamahan ang kanilang extra na pera para ipangtulong sa mga frontliners, barangay officers at iba pang nangangailangan.

Facebook Comments