COVID-19 oral antiviral treatment na Paxlovid, inendorso na ng WHO

Inendorso na ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng Paxlovid na isang oral COVID-19 antiviral treatment ng Pfizer para sa mga pasyenteng high-risk.

Batay sa WHO, sa kanilang isinagawang dalawang clinical trial sa paggamit ng Paxlovid, nabawasan nito ng 85 percent na ma-ospital ang halos 3,100 pasyente na kalahok.

Ang Paxlovid ay kombinasyon ng Nirmatrelvir at Ritonavir na pinakamahusay upang maagapan ang paglala ng sakit ng mga COVID-19 patients na may mild symptoms.


Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong ongoing discussions sa pagitan ng Pilipinas at Pfizer para sa pagbili ng Paxlovid.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi bibili ang pamahalaan ng sobra-sobrang Paxlovid dahil nanghihingi ng indemnification law ang Pfizer para hindi sila habulin ng pamahalaan sakaling makaranas ang mga iinom nito ng side effects.

Facebook Comments