6 na provincial bus, nasilbihan na ng show cause order

81

Anim na provincial bus operators ang pormal nang nasilbihan na ng show cause order.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Cristina Cassion.

Kabilang dito ay ang:


1. Victory liner
2. Bataan Transit
3. Five Star Bus Co.
4. First North Luzon Transit, Inc.
5. Maria De Leon
6. Genesis

Ito’y kaugnay sa paglabag ng mga ito sa alituntunin ng window hour scheme.

Hinihingan ng paliwanag ang mga operator kung bakit hindi sila dapat mapatawan ng parusa sa nangyaring pagka-stranded o ilang oras na paghihintay ng mga pasahero sa mga terminal dahil walang bumiyaheng provincial buses.



Facebook Comments