COVID-19 pandemic, naging daan para itayo ang Eli Coffee and Tea

Marami sa atin ang hindi kumpleto ang araw kung hindi nakakahigop ng kape.

Ito ang naisip nina Glorie Paralejas nang itayo nila ang negosyong Eli Coffee and Tea.

Sa interview ng Business as Usual, ikinwento ni Paralejas na gusto nilang makilala ang kapeng pinoy na pinoy kung kayat dito na sila nagdesisyon.


Naging paraan din aniya ang pandemic para ituloy na ang matagal na nilang plano at inilaan na lamang nila ang oras sana para mag-travel para sa negosyo.

Nagsimula ang Eli Coffe and Tea sa kanilang bahay at makalipas ang isang taon ay nakapagtayo na sila ng sariling coffee shop sa Binangonan, Rizal na dinarayo ngayon ng mga gustong mag-relax.

Facebook Comments