COVID-19 pandemic, nakikitang dahilan ng DILG sa zero firecrackers injuries ngayong Kapaskuhan

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na nakatulong ang pandemya para mapanatiling zero firecrackers injuries ang buong bansa sa simula December 1 hanggang ngayong araw.

Kumpiyansa si Malaya na magtutuloy-tuloy ito hanggang matapos ang selebrasyon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Ani Malaya, dahil sa new normal, nangangailangan ng konting adjustment na makakatulong upang matiyak na ang lahat ay ligtas na magkakasama sa bahay.


Hinimok ni Malaya ang publiko na panatilihin ang disiplina, gawing regalo sa bawat miyembro ng pamilya na manatiling ligtas.

Mahigpit ang kautusan ng DILG sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang pagmo-monitor sa mga natukoy na firecrackers and pyrotechnic zones at sa mga firecracker/pyrotechnic displays sa kani-kanilang mga lugar.

Pinapa-inspeksyon din sa PNP ang mga manufacturing complex, warehouse, at processing area ng mga manufacturers sa kani-kanilang nasasakupan upang matiyak na nasusunod ang mga alituntuning pangkaligtasan.

Facebook Comments