Tuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Quezon City habang nababawasan na rin ang bilang ng mga pasyente na nasa pagamutan na pag mamay-ari ng QC government.
Sa pinakahuling datos, ang dalawang hospital ay punuan pa rin ang mga pasyente ng COVID-19.
Sa ngayon, lagpas pa rin sa 100% ang kanilang occupancy rate.
Tulad na lang sa Rosario Maclang Bautista General Hospital na may 157% na occupancy rate o may 85 COVID-19 patients.
Novaliches District Hospital ay may 127.10% occupancy rate o 61 na pasyente.
Habang 90% na lang sa QC Gen. Hospital na may 108 na pasyente.
Samantala, ang 12 Hope Facility naman ay may 49.34% o 855 na pasyente.
Sa ngayon, 10,517 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa QC.
Facebook Comments