290 OFWs na umuwi mula Doha, Qatar, nanatili pa rin sa quarantine hotel

Nanatili pa rin sa quarantine sa hotel ang nasa 290 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang umuwi sa bansa mula Doha, Qatar.

Mananatili ang mga ito sa quarantine hotel na inilaan ng gobyerno bago sila payagan na makauwi sa kanilang mga pamilya.

Kabilang sa dumating ang ilang Pinoy seafarers na nakatapos na ng kontrata sa kanilang employers.


Nakahanda naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na asistihan ang mga returning OFWs sa sandaling magbalik na sila sa kani-kanilang lalawigan.

Facebook Comments