Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na naka-admit sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Sa ibinahaging impormasyon ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center chief ng CVMC, nasa 12 COVID-19 patients na lamang ang naturang ospital na mga galing sa iba’t-ibang probinsya sa Lambak ng Cagayan.
Mula sa 12 na natitirang pasyente ng CVMC, ang pito (7) ay mula sa Cagayan, apat (4) sa Isabela at isa sa Basco, Batanes.
Mayroon din isang suspected case ng COVID-19 mula sa Cagayan ang binabantayan ng naturang ospital.
Nananatili pa rin sa COVID-19 ward ang mga pasyente at kung sila ay magnegatibo na sa RT-PCR test ay ililipat na sila sa Regular Ward.
Samantala, isinasailalim pa rin sa antigen test ang mga walk-in patients at kung sila ay nakitaan ng sintomas ay agad nang dinadala sa covid ward ng naturang ospital.
Facebook Comments