COVID- 19 Patients Transport Vehicles, dumating na sa North Cotabato!

Handang handa na ang Provincial Government ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Nancy Catamco sa pagharap sa anumang hamon kontra COVID-19.

Maliban sa nakahanda na ang isang isolation facility sa loob mismo ng Amas Capitol na pangangasiwaan ng Cotabato Provincial Hospital, dumating na rin ang tatlong bagong COVID-19 Patients transport vehicle na siyang isa sa mga pinamadali ng gobernadora upang mabilis na makatugon sakali mang may makitaan ng mga sintomas.

Sa huling tala ng Provincial Epidemilogy Surveillance Unit ng IPHO-Cotabato as of 4pm kahapon, March 24 , nasa 62 ang kabuuang bilang ng mga Persons under investigation sa buong lalawigan, 47 dito ang naka-home quarantine habang 15 ang tapos nang sumailalim sa 14 days quarantine.


Nasa kabuuang 1,462 naman ang mga itinuturing na Persons Under Monitoring, 312 dito ay galing sa ibang bansa, 1114 naman ay kagagaling sa Luzon habang mayroon ng 479 ang tapos nang sumailalim sa 14 days quarantine.

24 oras ang ginagawang monitoring ni Governor Catamco sa mga ipinatutupad na mga hakbang upang matiyak na ligtas ang mga mamamayan ng lalawigan kasabay ng patuloy na apela sa lahat na mahigpit na sundin ang mga alituntunin na itinakda ng DOH at ng DILG upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

(PGO Media Bureau)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments