COVID-19 Positive sa Bayan ng San Mateo, Hindi nakasalamuha ang Pamilya- Mayor Pua

Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ni Mayor Gregorio ‘Greg’ Pua ng Bayan ng San Mateo ang pagsasailalim sa ’lockdown’ ng Barangay Hall ng Salinungan West at iba pang kalapit na bahagi ng lugar matapos makapagtala ng unang positibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Pua, hindi isasailalim sa ‘lockdown’ ang buong barangay dahil hindi naman direktang nakauwi sa kanyang bahay ang 27-anyos na OFW dahil pagkababa palang nito sa sasakyan na ginamit na pagsundo sa kanya ay agad na nakatanggap ng tawag mula sa Echague District Hospital na positibo ito sa sakit.

Dagdag pa ng alkalde, isasailalim sa swab test ang dalawang driver na sumundo sa nagpositibong pasyente matapos magkaroon ng exposure ang dalawa na nasa isolation facility ng bayan.


Pakiusap naman ng alkalde sa publiko na manatiling kalmado at mapagmatyag sa kabila ng may naitala ng kumpirmadong kaso ng virus sa bayan.

Facebook Comments