Aiko Melendez, idinulog sa PNP ang tungkol sa netizen na nagsabing may sex video ang anak na si Andre

2481
Facebook/Maria Kendra Melendez

Nagpasoklolo na sa awtoridad si Aiko Melendez hinggil sa netizen na nagbantang maglalabas ng umano’y sex video ng 21-anyos niyang anak na si Andre.

Ibinalita ng aktres nitong Huwebes na ipinahahanap na nila sa pulisya ang taong nasa likod ng Twitter account na @jakolinks.


Matatandaang sa Facebook Live ni Melendez noong Lunes, sinabi niyang nagbanta ang naturang netizen na ilalabas ang scandal ni Andre sa oras na maabot nito ang 25,000 followers.

“We now have a lead of who this crazy pervert, who caused my son Andre Yllana anxiety!” ani Melendez sa post.

“As I told you don’t mess with any of my loved ones. Especially when we are right! Because we will teach you a lesson that you regret learning,” giit niya pa.

Pinasalamatan ni Melendez ang Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police at partner niyang si Jay Khonghun na tumulong sa sitwasyon.




“When it comes to my children, ako ang makakalaban ninyo,” paalala ng aktres.

Facebook Comments