Cauayan City, Isabela- Umakyat sa bilang na 30 ang naitalang panibagong positibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong umaga, December 6, 2020, dahil sa 30 na new COVID-19 cases, sumipa naman sa 241 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa probinsya.
Mula sa naitalang panibagong kaso, labing-isa (11) ang naitala ng bayan ng San Mariano, pito (7) sa Lungsod ng Ilagan, apat (4) sa bayan ng Cabatuan, tig- dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan, bayan ng Quirino at bayan ng Aurora, tig-isa (1) naman sa bayan ng Benito Soliven at Santiago City.
Gumaling naman sa COVID-19 ang labing walo (18) na positibo sa virus na mula sa Isabela.
Sa bilang naman na 241 total active cases ng Isabela, apat (4) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), lima (5) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), tatlumpu (30) na Health Worker, apat (4) na Pulis at 198 na Local Transmission.