COVID-19 positive sa Muntinlupa, umakyat na sa mahigit 60

Nasa 64 na an kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City kung saan 1 pa lang sa mga ito ang naka-recover at 4 na ang nasawi.

Sa pinakahuling datus na inilabas ng Muntinlupa City Health Office ay makikitang may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ay sa Putatan at Cupang.

Ang Persons Under Investigation (PUI) naman sa muntinlupa ay nasa 212 ngayon kung saan pinakamarami ay residente ng putatan.


Sa kasalukuyan ay maroon pang  278 na Persons Under Monitoring (PUM) sa lungsod at pinakamarami nito ay nasa bayanan.

Hingil dito ay pinapayuhan ng Muntinlupa City Government ang publiko na maging alerto at huwag basta maniniwala sa mga hindi beripikadong balita o mga impormasyon.

Giit ng Muntinlupa City Government, para makakuha ng makatotohanang detalye o update ukol sa covid 19 ay sundan ang official social media accounts nito gayundin ng Department of Health (DOH).

Ipinaalala din muli ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan na manatili sa loob ng tahanan at sumunod sa social distancing upang makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments