Mahigit P200K halaga ng shabu, nasabat ng mga otoridad sa Taguig

37

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng droga sa Taguig City, matapos isagawa ang isang buy-bust operation sa kahabaan ng Sarisa St. New Lower, Bicutan pasado ala-1:20 kahapon ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Madhi Kadingilan Guiamal, alyas “Reman”, 25-anyos, isang tricycle driver, at residente ng nasabing lugar.


Nakuha mula sa suspek ang 40 grams ng umano ay shabu na may katumbas na halaga na Php 272,000.00.

Maliban dito, narekober din ang isang timbangan, 200.00 na ginamit bilang buy-bust money at perang nagkakahalaga ng P960 nahinihinalang galing sa pinagbentehan ng droga.

Nakuha rin ang isang cellphone mula sa suspek na hinihinalang naglalaman ng mga kontak mula sa kanyang mga parokyano at pinagkukunan ng droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.

Facebook Comments