Lalo pang bumaba ang COVID-19 positivity rate sa bansa.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, kahapon ay nasa 5.7% na lamang ang positivity rate o ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 test.
Mas mababa ito sa 5.9% na naitala noong January 6.
Ito ay matapos na makapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 752 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon kung saan nasa 12,518 na lamang ang active cases.
Pinakamarami pa rin sa mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay naitala sa Metro Manila na sa 2,359 sinundan ng Calabarzon, 1,187; Central Luzon, 562; Western Visayas, 341 at Cagayan Valley na may 325 new cases.
Maglalaro naman sa 350 hanggang 450 na bagong kaso ng COVID-19 ang inaasahang naitatala ngayong araw batay sa projection ng OCTA.