Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Oriental alas-7:00 kaninang umaga.

Naitala ang episentro nito sa munisipalidad ng Baganga.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 129 kilometers.


Naramdaman ang Instrumental intensity II sa Nabunturan, Davao de Oro habang Intensity I sa Malapatan at Alabel, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental at sa General Santos City sa South Cotabato.

Wala naming inaasahang danyos dahil sa pagyanig pero asahan ang mga aftershock.

Facebook Comments