COVID-19 positivity rate ng bansa, tumaas sa 9.5%

Tumaas pa sa 9.5% ang COVID-19 positivity rate ng bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Higit na mas mataas ito kumpara sa 6.8% na naitala noong Hulyo 5 at halos kapareho na sa naitalang positivity rate noong kalagitnaan ng Pebrero 2022.

Dahil dito, halos doble na ang positivity rate ng bansa sa positivity rate benchmark ng World Health Organization (WHO) na 5%.


Sa kabila nito, tiniyak naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nananatili pa rin sa low risk classification ang buong bansa dahil sa mababang bilang severe at critical infections at average daily attack rate (ADAR).

Ayon kay Vergeire, bagama’t nanatili sa 1.3 hanggang 4.44 sa kada 100,000 populasyon ang ADAR sa Manila, Calabarzon, Western Visayas at CAR, ay mababa naman sa isa ang ADAR ng iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments