Grupong FEJODAP, hihilingin sa bagong pamunuan ng DOTr na aksyunan ang ilang mga ruta na hindi pa nabubuksan

Nakikiusap ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na magpatawag ng isang dayalogo ang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay upang personal na hilingin kay Sec. Jaime Bautista na aksyunan ang mga rutang hindi pa nabubuksan.

Ayon kay FEJODAP President Boy Rebano, nais nilang ipabatid kay Sec. Bautista kung papaanong bibigyan ng solusyon ang mga problema sa kanilang hanay.


Tinukoy ni Rebano ang problema sa transfer of ownership na siyang dahilan kung bakit maraming mga driver at operators ang hindi pa rin nakikinabang sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Gusto ring malinawan ng FEJODAP sa bagong kalihim kung ano ang posisyon nito sa pagpapatupad ng jeepney modernization program na matagal nang naantala.

Facebook Comments