Mas mababa na sa 10% ang COVID-19 positivity rate sa tatlong probinsya sa Luzon.
Sa datos ng OCTA Research Group, as of September 3, 2022 ay bumaba na sa 9.2% ang positivity rate o porsiyento ng mga nagpopositibo sa COVID testing sa Batangas; 6.6% sa Bataan at 8.9% sa Pangasinan.
Habang bahagya lamang ang ibinaba sa positivity rate sa National Capital Region (NCR) na mula 12.9% noong August 27 ay nasa 12.1% na lamang noong September 3.
Pagdating naman sa mga probinsya sa labas ng Luzon, Cebu ang may pinakamababang positivity rate na nasa 6.2%.
Nananatili namang “very high” ang positivity rate sa Albay, Camarines Sur, Nueva Ecija, Tarlac, Palawan at Zamboanga del Sur.
Facebook Comments