PBBM, nais magtayo ng state-owned mall para sa maliliit na negosyo

120

Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtayo ng isang state-owned mall.

Kasunod ito ng naging pagbisita niya sa isang mall sa Indonesia na pagmamay-ari ng gobyerno kung saan maliliit na negosyong natitinda ng lokal na produkto lamang ang pinapayagang pumuwesto.

Aniya, pwede rin itong gawin sa Pilipinas.


Kaugnay nito, ipinaalam ni Pangulong Marcos kay Indonesian President Joko Widodo ang “One Town, One Product” (OTOP) program ng gobyerno ng Pilipinas na layong makatulong sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at sa pag-promote ng sarili nating mga produkto.

Samantala, nakipagkita rin ang pangulo sa malalaking negosyante sa Indonesia at hinimok ang mga ito na mamuhunan sa bansa.

Facebook Comments