COVID-19 positivity rate sa bansa, bahagyang tumaas ayon sa OCTA Research Group

Bahagyang tumaas sa 2.5 porsyento ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa 2.4 porsyentong positivity rate noong nakaraang linggo.

Tumaas din sa 0.29 ang reproduction number o bilis ng hawaan mula sa 0.23 noong March 11.


Sa kabila nito, nananatili ang Pilipinas sa ‘very low risk’ classification sa COVID-19.

Pinaalalahanan naman ni David ang publiko na ituloy pa rin ang pagtalima sa minimum health protocols kahit na bumababa ang kaso ng COVID sa bansa.

Facebook Comments