Muling tumaas ang COVID-19 daily positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Batay sa pagtataya ng Octa Research Group, mula sa 14% na positivity rate noong July 15, ay umakyat na sa 14.6% ang antas ng mga nagpopositibo sa virus sa Metro Manila nitong July 20.
Halos tatlong beses na itong mataas sa 5% benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO) upang masabing kontrolado ang pagkalat ng virus.
Bunsod nito, sinabi ni Octa Research Fellow Dr. Guido David na nakikitaan na naman niya ng pagtaas ng kaso sa Metro Manila.
Batay sa projection ni David, posibleng pumalo sa 1,100 ang panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw habang nasa 3,000 naman ang new cases sa buong bansa.
Facebook Comments