Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 daily positivity rate sa National Capital Region o NCR.
Batay sa pagtataya ng OCTA Research Group, mula sa 14.6 na positivity rate noong July 20, ay umakyat na sa 16% ang antas ng mga nagpopositibo sa sakit sa NCR kahapon, July 22.
Sa kabila nito, sinabi ng OCTA na bumaba naman sa 15% ang one-week growth rate sa mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Habang, umabot na sa 6.43 ang average daily attack rate (ADAR) sa Metro Manila sa kada 100,000 katao.
Samantala, ang healthcare utilization rate (HCUR) sa NCR ay 34%, habang ang ICU occupancy naman ay 26%.
Nabatid na kahapon ay pumalo sa 1,169 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, kung saan mas mataas ito kumpara sa naitalang 1,002 new COVID cases noong Huwebes, July 21.