COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat pa sa 2.4%

Umakyat pa ngayon sa 2.4%ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ayon sa OCTA Research Group.

Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na mas mataas ito kumpara sa naitala na 1.68% lamang hanggang kahapon ng umaga.

Sa kabilang banda, pumalo naman sa 1.03 ang reproduction number o bilis ng hawahan ng virus sa kalakhang Maynila.


Iginiit din ni David na ang pagtaas ng mga kaso ay hindi na lamang dahil sa nagdaang holiday season.

Samantala, itinaas na sa moderate risk sa COVID-19 ang apat na lungsod sa Metro Manila.

ito ay bunsod ng naitalang pagtaas ng positive one week at two week growth rate sa mga lungsod ng San Juan, Las Piñas, Maynila at Makati.

Samantala, mula sa minimal risk ay nasa low risk naman ngayon ang Parañaque, Malabon, at Caloocan City.

Facebook Comments