COVID-19 positivity rate sa NCR, umakyat na sa 13%

Umakyat pa sa 13% ang lingguhang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa ulat ng Department of Health (DOH), karamihan sa mga lugar sa NCR ay nakapagtala ng matinding pagtaas sa kaso ng sakit na ngayon ay aabot na sa 750 cases kada araw.

Sa kabila nito, nilinaw ng ahensya na nananatiling nasa low-risk classification ang rehiyon.


Kasalukuyang nasa 30.70% ang bed utilization rate sa NCR habang 22.16% ang ICU utilization rate.

Nasa 651 o 8.53% lamang ng kabuuang nao-ospital dahil sa COVID-19 ay severe at kritikal.

Samantala, nasa 5% na ang positivity rate sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, at Northern Mindanao.

Habang nananatili ring low-risk ang buong bansa na may positivity rate na 10%.

Facebook Comments