Free dialysis sa lahat ng miyembro ng PhilHealth, isinusulong sa Senado

278

Naghain ng panukalang batas si Senador Christopher “Bong” Go na naglalayong gawing libre sa dialysis ang lahat ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Ipinaliwanag ni Go na dahil sa masyadong mahal ang magpa-dialysis, isusulong niya na maipasa ang panukalang comprehensive dialysis benefit package para sa libreng dialysis ng lahat ng mangangailangang miyembro ng PhilHealth.

Sa ilalim ng naturang panukalang batas o Free Dialysis Act of 2022, aatasan din nito ang PhilHealth na maging mahigpit sa pag-aanalisa ng claims na may kinalaman sa dialysis.


Bilang chairman ng Health Committee, nais ni Go na isulong ang mga pagpapalakas ng health care system sa bansa partikular na sa mga kanayunan o mga liblib na lugar.

Facebook Comments