COVID-19 positivity rate sa NCR, umakyat na sa 6.5% – OCTA

Tumalon na sa 6.5% ang 7-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong Sabado.

Mula ito 4.4% na naitala noong April 1 na bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 testing.

Lampas na ito sa 5% benchmark na itinakda ng World Health Organization na nangangahulugang kumakalat ang virus.


Batay din sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, pinakamataas ang COVID-19 positivity rate sa Misamis Oriental na nasa 16.3% bagama’t bumaba na mula sa 27.4% noong April 1.

Lampas din sa 5% ang positivity rate sa Benguet, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Davao Del Sur, Isabela, Negros Occidental, Palawan, Rizal at South Cotabato.

As of April 4, umakyat na sa 7.1% ang positivity rate sa buong bansa.

Facebook Comments