COVID-19 projection ng UP OCTA research para sa katapusan ng Agosto, binago; Prediksyon, bumaba!

Binago ng University of the Philippines OCTA Research Group ang kanilang COVID-19 projection ngayong katapusan ng Agosto.

Mula sa 250,000 na prediksyon, ibinaba ng UP ang COVID-19 cases nito sa 220,000.

Ayon kay UP Mathematics Professor Guido David, ang magandang balita ay dulot ng dalawang linggong lockdown sa Metro Manila at mga karatig probinsya.


Dahil aniya sa lockdown, may pagbaba sa trend ng COVID-19 cases.

Una nang iminungkahi ni David sa pamahalaan na upang mapababa ang bilang ng kaso, ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila ay mas maging malawak kaysa sa naunang ipinatupad na quarantine.

Batay sa datos kahapon ng Department of Health (DOH), Agosto 21, 2020 ay umabot na sa 182,365 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments