Pumalo na sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, nadagdagan ng 4,227 ang bilang ng mga gumaling na umabot na sa 1,003,160.
Nasa 7,733 bagong kaso naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 1,087,885 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.
Sumampa naman sa 18,099 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 108 ngayong araw.
Sa ngayon, nasa 66,626 na ang total active cases sa bansa.
Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 27 na mga Pilipino sa abroad na gumaling sa COVID-19.
Dahil dito, umabot na sa 11,333 ang recoveries sa mga Pinoy sa ibang bansa.
Nadagdagan naman ng 45 ang mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa abroad na umabot na ngayon sa 18,524.
Habang sumampa sa 1,159 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 12 ngayong araw at 6,032 ang nagpapagaling na mga Pinoy sa abroad.