COVID-19 recovery rate ng PNP umabot na sa 95.9 percent

Labing anim na police officer ang nadagdag sa mga gumaling sa COVID-19 kagabi.

Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) Administrative Support for COVID-19 Task Force.

Kaya naman umabot na sa 8,738 ang kabuuang recoveries sa PNP.


95.9 percent ito ng kabuuang 9,111 COVID-cases sa police force batay na rin sa huling ulat ng PNP.

Samantala, Isang police officer naman ang nadagdag sa mga nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ay isang 41 anyos na non-commissioned police officer na nakatalaga sa Cauayan City, Isabela Police Station.

Namatay ito kahapon ng umaga, siya ay pang 28 police officer na namatay dahil sa COVID-19.

Ayon naman kay PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar, sa ngayon mayroong 344 active cases.

Hanggang kahapon naman umabot na sa 79,046 ang mga police officer ang naisailalim na sa COVID-19 testing mula sa 221,000 PNP members.

Facebook Comments