COVID-19 Related Death, Muling Naitala sa Cabagan

22

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isang COVID-19 related death ang bayan ng Cabagan sa Lalawigan ng Isabela.

Ang nasawi ay si CV 8701, 56 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Catabayungan, Cabagan, Isabela.


Si CV8701 ay walang naging history of travel at exposure.

Siya ay kinuhanan ng swab sample at isinasilalim sa swab test noong March 18, 2021 bandang alas 6:00 ng gabi at lumabas ang resulta noong March 19 na siya ay positibo sa SARS CoV 2.

Binawian na rin siya ng buhay bandang alas 7:05 ng gabi sa parehong araw kung kailan na swab test.

Nabatid na Hypovolemic Shock; Upper Gastrointestinal Bleeding; To consider Bleeding Peptic Ulcer Disease; at Anemia ang sanhi ng ikinamatay ng pasyente.



Bilang pagsunod sa Proper Handling of the Remains of Suspect, Probable, and Confirmed COVID-19 Cases, siya ay agad na inilibing noong March 19, 2021.


Kaugnay nito, kinuhanan na rin ng specimen ang mga close-contacts ng nasawing pasyente.

Facebook Comments