COVID-19 related deaths sa Aklan, nadagdagan ng isa

Kalibo, Aklan – Umakyat na sa 10 ang COVID-19 related deaths sa Aklan matapos na madagdagan ng isa ngayong araw.
Ayon kay Dr. Cornelio Bong Cuachon Jr., ng PHO-Aklan na isang COVID-19 positive ang namatay kaninang madaling araw sa COVID ward ng Aklan Provincial Hospital habang ginagamot.
Ito ay isang 65-anyos na babae mula sa bayan ng Libacao, Aklan.
Ang nasabing pasyente ay nauna nang sumailalim sa dialysis bago mahawa sa sakit mula sa isa ring pasyente sa isang pribadong ospital dito sa Kalibo.
Base naman sa pag-aaral, na mabilis mahawaan ng virus ang pasyente kapag meron na itong iniindang sakit kagaya ng mga dina dialysis at may mga diabetes.
Dadalhin naman sa syudad ng Iloilo ang bangkay ng pasyente para ma cremate batay naman sa guidelines ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments